Friday, April 15, 2011

Swimming ng SGG Family.. :)

ahmm.. eto na naman si enkiee.. mag share na naman ng masayang araw .. ngyare to nung april.15 ..

nung gabi ng thursday (april.14) pumunta si boss iloy sa looban para mag aya pa ng iba.. kasi kunti lng sasama nun kasi friday nga.. so hinde na nya pwde ikansel ung dahil marame na syang nabiling pagkaen.. so ung mga walang pera sinagot na nya... si panot, enad, at dandan.. ung iba naman kulang ung pera at sya na rin sumagot...

so eto na nga.. nung friday na ng umaga.. nagising ako ng 5:30am.. kasi usapan 6am dapat gising na at nakapag ready na... nakasalobong ko agad si dandan nung pag labas ko.. at si enad naman ginising ko na... at sumunod naman si panot at erwin... at nung andun na kame sa tagpuan.. andun na si edmer, jomar, iloy, enton, cedie, jr, hensel at ung ibang bata na sasama... so nung nakompleto na ang lahat sumakay na kame ng truck at pumunta sa 4th (bahay nila iloy)  para kunin ung ibang gamit at pagkaen... so di nagtagal byumahe na kame.. ang nag drive ng truck ay si kuya leo (tatay ni iloy) at sumama rin si kuya rod (tatay ni macoy) pero si iloy, jomar, enton, maica, maris, macoy, ay naka motor..


at eto na nga.. nung nasa north river side na kame... pumili na kame ng cottage.. at 4 na cottage ung binayaran namen... after nun.. nag asikaso na rin kame para sa pag kaen... inihaw namen ung tilapia at pork chop... at habang ginagawa un nagsikaen muna kame... after nun.. habang nakaen picture taking muna at video.. may gahd.. sobrang dame kong nakaen.. pero ang mas matindi si jomar.. haha! kala mo bibitayin sa sobrang dame ng kinakaen.. :))) at ilang minuto ang nakalipas... nag simula na kame tumalon sa pool.. haha! 


so aun.. picturan ulit habang nasa pool.. walang humpay na languyan, talunan, hiyawan, at tawanan... after nun picturan ulit.. kasi sobrang saya talaga.. at after nun.. umahon muna ako para mag yosi... at nung pag balik ko sa cottage.. may nakita akong isang babae na nakakuha ng atensyon ko... ang cute kasi ee.. ang ganda pa ng katawan.. haha! so di muna ako bumalik sa pool kasi nga gux2 kong makipag titigan sa kanya.. haha! syempre pa cute effect ako para di nya pansinin ung ibang kasama ko.. haha! at di rin nag tagal.. bumalik ako ulit sa pool...


at nung pag patak ng 12nn.. nagsi ahon muna kame para kumaen ulit... so ayun.. habang nakaen picturan ang video ulit kame... at pagtapos kumaen.. nag inuman muna kame.. pero kaylangan namen itago kasi bawal ang inuman... bimuli si ata, jomar, macoy, dandan, at panot sa labas ng the bar at chaser.. pero kylangan ilagay nila ung the bar sa plastik na parang ice tubig... so nung natapos kame uminom talunan ulit sa pool pero ako hinde muna tumalon kasi andun pa sa cottage ung crush ko.. haha! pero nung nawala na sya dun.. bumalik na ako sa pool...


at eto na.. napag tripan namen ung slide.. lahat kame umakyat dun para mag padulas... una natatakot ako kasi 1st tym ko makakapag slide sa ganung kataas... pero nung nakita ko ung muka ng mga nagpapadulas lalo na si dan2.. sabi ko sa sarili ko na mukang masarap ngaun... nung ako na ung mag slide.. mejo kinakabahan ako kasi ang taas talaga.. pero nung sinubukan ko na at bumagsak na ako sa pool... inulit ulit ko na.. hahahaha! tapos aun.. picturan ulit sa pinaka taas.. tapos gumawa pa kame ng video na isa2 kameng bumababa.. natatawa nga ako kay allen (kapatid ko) kasi hinubaran sya ni jr ee.. hahaha!


so pagtapos nung naglaro naman kame ng tayaan sa pool.. unang nataya si jr.. at un na.. palitan na ng taya.. natatawa ako kay enad... kasi nung ako ung taya.. talagang sya ung hinanting ko dahil hinde sya marunong lumangoy.. nung napatingin sya sa iba... sinamantala ko na.. nakita na nya ako na palapit na ako sa kanya... pero ang ginawa ko tinalunan ko na sya sa pool para hinde na sya makatakas.. hahahaha! at nung nataya na naman si joseph... talagang hirap na sya makataya kaya sumuko na sya at hanggang sa nag ayawan na... 


at pag patak ng 4pm.. humaon na ako at nagpahinga muna saglit... at ilang minuto pa ang lumipas... nag banlaw na ako... at humaon na rin ung iba pagtapos ko mag banlaw... nung pagtapos ko mag banlaw.. may nakita akong di inaasahan makita.. >:)) alam na un kung ano.. :))) so nagkainan muna kame bago umuwi... at saktong 5pm naligpit na namen ung mga gamit at naisakay na namen lahat.. at pati kame sumakay nna para umuwi... so cguro mga 6 or 6:30pm na kame nakarating sa 9th ave...




so aun... sobrang saya ko talaga nun kahit ginastos ko ung iniipon ko para sa bday ko.. kahit di naman matuloi ung bday party ko.. okie lng.. kasi para saken un na ung bday celebration ko... so maraming salamat sa SGG Familiy.. at lalo na kay Boss Iloy.. :) i know na mauulit un.. at pag si boss iloy talaga ang nag pa swmming.. hindeng hinde ko tatangihan un... :)


















































Sunday, April 3, 2011

Domination V

ahmm... eto ulit si enkiee.. mag kwe2nto ulit sa experience nya... April.2 2011 (Domination V)

Friday ng gabi nag punta na ako kila perti para sabay na kame magpunta kinabukasan sa Domi.5 para di na kame pumila kasi may VIP daw sya...

at dumating na nga ang araw ng Domi.V (April.2 Saturday) nung tapos na ako maghanda pinauna na ako ni perti sa smx kasi may pu2ntahan pa sya... at nung nandun na ako, may gahd! parang gux2 ko ng umuwi sa haba ng pila.. pero ala na ako magagawa.. andun na ako ee.. at nung hinahanp ko ung dulo ng pila.. nakita ko si regix... kaya sya ang nakasabay ko sa pila.. pero bago kame pumila nakita namen si lolo carlo.. dapat sasabay kame sa kanya ee kaso may tatak na pala sila kaya di na kame sumama kasi kakaen sila ni akisha...



at habang papunta ulit kame sa pila... nakita ko ung ex ko.. si angela.. hahaha! pero ndi ko na pinansin kasi may kasamang lalake... (takte.. ang panget na ni angela) hahaha! at nung nasa pila kame ulit nakita ko na si perti... tang ina.. binabarbero lng pala ako nun.. wala naman pala syang VIP.. kaya mas lalo kong ginusto na umuwi na lng.. pero ala na talaga magagawa.. at di nagtagal si kyle naman ang nakita namen at pinasingit namen sa pila...

natuwa na ako nung mabilis umaandar ung pila.. pero pag pasok name sa hall 2.. tang ina.. kakabad3p.. sobrang haba ng pila... tang ina... okie sana kung di ako gutom ee.. sobrang asar ako lalo na nung nakalabas na kame sa hall at pinabalik kame... halos murahin ko na ung mga staff ng e-games... pero ilang minuto rin natapos na ang pag hihirap namen... tang ina.. 12 ako nakarating sa smx tapos mga almost 3pm na kame nakapasok... amp!!

at eto na nga.. nung nakapasok na kame sa isa pang hall kung saan ginaganap ang event.. parang nailang ako sa liit... di tulad ng domi.3 na malaki talaga... at sa taas pa... nung nagpunta na ako sa booth ng BM parang lahat di ko kilala.. pero nung tinignan kong mabuti.. marami2 rin pala.. isa isahin ko?? eto ung una kong mga nakita.. si arjay, james, marlonxD, allan, kerry, euna, josepogi, yumel, dianne, zyrus, jay2, kliff.. pero sa mga nakita ko na yan.. apat lng pinansin ko jan.. ung isa kasi di ko gux2 ung aura ee.. parang ang wierd.. o.O

at ilang minuto pa ang lumipas.. sumunod ko namang nakita si marlondgr8, mike.. at eto di ko ineexpect.. si clifferd.. kasi sabi saken ni perti (kie, natatandaan mo pa sya?) nung una di ko talaga makilala pero nung tinignan ko ng maayos si clifferd lng pala.. sabi ko sa kanya (dba nasa ibang bansa ka? kylan ka umuwi?) so aun.. usap2 na... at pagkatapos nun.. nakibonding na rin ako sa iba.. (ung kilala ko lng) marame rin nakakakilala saken pero sila di ko kilala sa muka... kaya isa2 sila nagpakilala saken.. lalo na si cheska.. kasi nakilala nya ako sa muka.. at pinakilala sya saken ni yumel... so aun... nag 33p na lng ako.. kung sino2 pinag 33pan ko lalo na si james.. inaagaw ko ung mike kay ano... basta di ko kilala un ee.. tapos sinisabi ko (wag nyo tularan si james.. bakla yan) hahaha! so ang dameng natawa.. :))

at syempre napagod ako.. nag yosi muna ako sa labas.. at pag pasok ko ulit sa hall naupo muna ako sa stage.. tapos.. napansin ko may tumabi sakeng babae.. tinignan ko ung muka.. at nakilala ko nga.. si alyssa.. sabi ko sa kanya (kaw ba si alyssa?) sabi nya (opo.. ikaw?) pinakita ko sa kanya ung name tag ko.. at nakilala naman nya ako... nakipag shake hand ako sa kanya... at nagulat ako sa sinabi nya (kuya.. pwde po pa hug?) so aun.. bakit ko tatangihan.. haha! sobrang lambing nung bata na un... so after nun nag trip ulit ako.. si kerrylee naman pinag 33pan ko... hahaha!

at nung hinde ko na natiis ung gutom.. nagpasama na ako sa kanya parakumaen... at nung pagbalik namen sa hall.. wala na ung iba.. si euna, marlondgr8, jay2 na lng naabutan namen dun... at ilang minuto pa.. nakita na ako ni dianne.. so aun.. kamustahan with hug at kagat.. amp! ang saket mangat ni dianne.. bumakat sa balikat ko ung kagat... so aun.. nagpalipas na lng ako ng ilang minuto sa hall... at nung naboring na ako nag pasama ako kay dianne at perti sa macdo and timezone.. pero nung malapit na ako sa sakayan ng jeep nagpasya na lng akong umuwi kahit sinasama ako ni perti sa gimik nila ng mga frnds nya sa SuperStar... hanggang nasa sakayan na ako.. nakasabay ko si clifferd...

so ayun... dun natapos ang araw ko sa Domination.V mejo enjoy naman kasi ung mga old jammers nakita ko ulit at ung mga di ko ineexpect na makita ko nakita ko naman lalo na si mike and alyssa... so guys.. salamat sa lahat aa... nag enjoy naman ako kahit paano.. pero mas nag enjoy ako nung domination.3 sana sa domination.6 makita ko ulit ung ibang jammers.. wag lng si iPeL... baka kung ano pa magawa ko sa kanya... >.<