Friday, January 28, 2011

Paalam pareng Emar!

ahmmm... kwento ko lng yung nagyare sa kumapare namen... sobrang kalungkot talaga... :(

Si Emanuel Esguera.. simula pagkabata pa lng ay kaibigan ko na sya... halos magkapatid na kame nun... kasama ko nga yun pag nangangalakal kame ee para magkapera.. haha! tulad ng plastik, bote, bakal at kung ano ano pang pag kakakitaan... :)

at minsan nag aaway kame nun sa sobrang kadayaan nun sa mga laro... tulad ng text card, jolen, pog.. at kung ano ano pang laro.. :) pero minsan sangang kapatid talaga kame nun...

at lumipas ang 10yrs... mejo nag bago na sya.. dahil nag bago na ang life style nya sa buhay.. at nag bago na rin ang iba nyang kinakasama.. pero halos lahat mga kababata rin namen... bihira na lng kame nag papansinan nun.. kadalasan pag nakatambay sa harap ng tindahan namen un...

at ngyare ang hinde inaasahang pang yayare... habang nasa trinoma ako... wala akong kamalay malay na may ngyayare na pala sa lugar namen... at nung umuwi ako samen (brownout) may sinabi saken tita ko... ang sabi nya (kie.. si emar nagpakamatay) sobrang gulat ko talaga.. SOBRA!

after 2days... pinuntahan namen sya sa hospital... at nung nakita ko sya... grabe... di ko mapigilang umiyak... naaawa kasi ako sa kanya... nung tym na pumunta kame dun... mejo nakakalaban pa sya... isa isa nameng kinausap si emar... unang kumausap ay si pareng enton.. ang sabi nya (pre.. labanan mo yan... ikakasal pa naman ako) at nung si jomar naman ang kumausap.. ang sabi nya.. (pre.. and2 lahat ng tropa... labanan mo yan.. wag kang susuko) at nung ako na ang kumausap.. naluluha ako.. at ang sabi ko.. (pre... matapang ka dba? alam kong kaya mo yan) at kinausap na rin sya ng iba nameng ka tropa...

mas lalo kameng nabigyan ng pag asa nung pumapalag sya... hawak ko sya sa kamay... ung ibang ka tropa ko sa ibang parte ng katawan nakahawak... alam nameng naririnig nya kame... kaya mejo sumaya kame dahil alam nameng kaya nya...

eto na ang nakakalungkot na part... nxt day.. pumunta ulet kame sa hospital... at nung pumunta kame sa room nya... nakita namen yung nanay nya... iyak ng iyak... at tinanung namen... (kamuzta na si emar) at sinabi ng nanay nya na habang umiiyak... (iiwan na tayo ni emar) kasi talagang nag hihingalo na si emar... :(( at lumipas ang ilang oras... tuluyan ng namatay si emar.. :(((( nung nasa morgue kame para masilip namen si emar... di na napigilan lahat ng nag mamahal kay emar ang umiyak... lalo na ang nanay nya.. nilapitan ko ang nanay nya.. at ang sabi ko (wala na tayong magagawa ate ruth... buhay pa naman si emar sa puso natin ee)at hinakbayan ko si ate ruth...

di ko na ikwe2nto ung burol.. kwe2nto ko na lng ung nilibing na sya... nung ihahatid na namen sya sa sementeryo... nag iyakan kame lalo na ung kinanta ung salamat ng siakol at like a rose ng a1.. un kasi ung kinakanta nya pag nag vivideo oke sya... at pag nakatambay... grabe.. lalong umungol ang malakas na iyak nung malapit na kame sa sementeryo... pero bago kame makapunta ng sementeryo... umulan ng sobrang lakas... feeling namen.. umiiyak din ang langit sa pagkawala ng kumapare namen... tapos nung kinanta ung pitong gatang.. biglang sumaya.. ewan ko ba kung bakit.. basta nag tawanan na lng kame...

at nung nailibing na sya.. isa isa kameng nag paalam.. at nilagay namen ung tarpolin na pinagawa namen.. nag ambagan kame para dun...


so ayan... kalungkot dba? shinare ko lng.. kasi naaalala ko si pareng emar.. lalo na malapit na sya mag birthday.. (dec.25) so sana mabasa nyo toh aa.. :) salamat.. WE MISS YOU PARENG EMAR!


No comments:

Post a Comment